ABS-CBN Presents: Huwag Mo Akong Salingin
Liam Ng, Kyle Lim, John Lu

Tuesday, November 9, 2010

Epilogo: Ano Na Ang Nangyari Sa Kanila?

Pumasok na si Maria Clara sa kumbento, pero umalis naman si Padre Damaso sa bayan para tumira sa Maynila. Pareho din na umalis si Padre Salvi, pero paminsan-minsan ay nagsesermon siya sa Santa Clare dahil ito ang kumbento ni Maria Clara. Sa paglipas ng panahon ay tumanggap si Padre Damaso ng utos mula sa Padre Probinsyal na maging kura sa malayong lugar. Pero, hindi niya ginawa ito dahil namatay pala siya sa kanyang silid. 
Nalungkot si Kapitan Tiyago sa nangyayari kay Maria Clara, kaya nagdesisyon siya na titira siya ng mag-isa lamang. Pinauwi niya si Tiya Isabel sa San Diego o Malabon. 
Walang taong tumatawag kay Don Tiburcio para sa gamot. Si Linares naman ay namatay dahil sa pag-aabuso ng kanyang pinsan, si Donya Victorina. 
Bumalik naman ang alferez sa Espanya, pero iniwan niya ang kanyang asawa na si Donya Consolacion sa Pilipinas. 
Nakita naman ng dalawang sundalo si Maria Clara, baliw at nakatayo sa bubong ng kumbento habang umuulan nang malakas. Tinawag nila ang isang taong gumagamot sa mga baliw, pero ayon sa kanya, wala ng magagawa para kay Maria Clara. 

Episode 29: Buhay Pa Si Basilio!

Malapit sa kabundukan, nakatira ang isang mag-anak na Tagalog. Ang pangangaso ay ang pamumuhay nila. Sa loob ng bahay, may dalawang bata na naglalaro, at sa tabi nila isa pa: si Basilio, anak ni Sisa. Ang lolo ng mga bata’y ipinagbili ng mga walis para pwede silang makabili ng gamit dahil Pasko na. Ayaw ni Basilio ang anumang bagay para sa Pasko, pero gusto niya ay pumunta sa bayan ng San Diego upang makita ang ina at kapatid. Pumayag ang lolo. 
Sa San Diego, sirang-sira na ang bahay nila, at wala siyang kaalaman tungkol kay Crispin, ang kanyang kapatid. Narinig niya ang awit ng ina niya si Sisa, at sinundan niya ito. Subalit, dahil biglang narinig ni Sisa ang mga sundalo na dumarating, tumakbo siya paalis sa bayan. Tumakbo rin si Basilio para habulin ang ina. 
Umabot sila sa kagubatan, at pumasok si Sisa sa isang puntod ng isang matandang Espanyol para tumago. Gustong pumasok din si Basilio, pero hindi mabuksan ang pinto. Kaya umakyat siya sa puno malapit sa puntod, at nahulog siya sa loob ng puntod. Bago siya’y nawala ng malay, hinalikan niya ang kanyang ina. 
Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata, at nakilala niya ang kanyang anak. Niyakap at hinalikan niya si Basilio. Nang nagkaroon ulit ng malay si Basilio, nakita niya ang kanyang ina na nakahiga sa lupa, walang-malay at hindi gumagalaw. Nalaman ni Basilio na patay na pala siya, at niyakap niya muli ang kanyang ina. 
Dumating ang isang lalaki. Nais ni Basilio na tumulong siya sa paglilibing ng kanyang ina, at dahil malapit na mamatay rin ang lalaki, pumayag siya. Hiniling niya si Basilio na kumuha ng kahay panggatong para sa libingan niya at ni Sisa. Pumayag si Basilio at umalis para kumuha. Sa wakas, namatay rin ang lalaki.

Episode 28: Ang Mga Hiling Ni Maria Clara

Nakita ni Maria Clara na nabalitaan na namatay si Ibarra sa Ilog Pasig. Maligayang dumating si Padre Damaso para makipag-usap kay Maria Clara, pero nakita niya na malungkot siya. Gusto ni Maria Clara na sirain ang pagkasal niya kay Linares dahil wala ng halaga ang kanyang buhay kung patay si Ibarra. Hiniling din niya sa Padre na ipasok siya sa kumbento para maging madre, at kung hindi magpapakamatay nalang siya. Hindi maniwala si Padre Damaso sa sinasabi ni Maria Clara, pero sumang-ayon at pumayag naman siya. 

Episode 27: Pinatay Na Si Elias?

Plano ni Elias na itago muna si Ibarra sa Mandaluyong na kung saan nandiyan ang kanyang kaibigan, at pagkatapos naman ay sa ibang bansa. Hiling ni Ibarra ay sumama rin si Elias, pero sabi ni Elias na kailangan niya manatili sa Pilipinas para tumulong sa sariling bayan. Dinaanan nila ang palasyo ng gobernador-heneral pati na rin mga Guwardiya Sibil, pero iniwasan nila ang mga ito. Plano nila ay tumuloy nalang sa Ilog Pasig. Nag-usap sila ulit. Gustong maghimagsik si Ibarra para sa bayan, pero hindi pumayag si Elias. Nagdesisyon si Ibarra na maghimagsik ng mag-isa. 
Sa Ilog Pasig, nakita nila na may mga bangka na lumalapit sa kanila. Ito pala ang mga Guwardiya Sibil, kaya ipinahiga ni Elias si Ibarra sa bangka at tinakpan niya siya gamit ang mga bayong. Pero, sa pag-iiwas nila, nakita sila ng mga Guwardiya Sibil, kaya nagsimula na ang paghabol. Nagdesisyon na lalangoy si Elias para tulakin ang bangka nila sa ilalim ng tubig at para guluhin ang mga Guwardiya Sibil. Nagplano sila na magpupulong sila sa libingan ng lolo ni Ibarra ‘pag Noche Buena na. Pagkalipas ng oras, malayo na ang bangka nina Ibarra, pero nakikita pa si Elias. Nagtuluyang binaril nila si Elias na nakatago sa ilalim ng tubig. Sa wakas, nakita nila na may dugo malapit sa baybayin. 

Episode 26: Si Maria Clara: Magkakasal Na!

Dumating sina Donya Victorina, ang kanyang asawa, at si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Pinag-usapan nila ang sitwasyon nina Maria Clara at Linares, at sumang-ayon na sa madaling panahon ay ikakasal na silang dalawa, at sa susunod na araw ay ipapahayag na ni Kapitan Tiyago ang pagkasal nila. Si Padre Salvi at ang alferez naman ay aalis na sa San Diego dahil mas mataas na ang kanilang tungkulin. 
Sa silid, kunwari na natutulog si Maria Clara, at pagkatapos umalis si Tiya Isabel sa kwarto, pumunta ang dalaga sa asotea. May bangka malapit diyan, at umakyat si Ibarra sa asotea. Sinabi niya na tumakas siya sa bilangguan dahil tumulong si Elias. Ipinahayag naman ni Maria Clara na hindi pwede silang umibig sa isa’t isa dahil siguradong hindi papayagan nito ng tunay na ama ni Maria Clara, si Padre Damaso. Nagpakita pa nga ni Maria Clara ng dalawang liham mula sa kanyang ina bilang patunayan. Muling sinabi ni Maria Clara na mahal na mahal niya si Ibarra, bago umalis na ang binata kasama si Elias sa bangka. 

Episode 25: Ang Kawawang Kapitan Tinong

Ang balita ng rebolusyon sa San Diego ay kumalat at umabot sa Maynila, na kung saan inilimbag ang balitang ito sa mga dyaryo na may iba’t ibang pagsasalaysay ng balita. Dahil sa mga nangyari sa San Diego, ang kapayapaan sa iba’t ibang bahay ay nawala na.
Iba naman ang pinag-usapan at nangyari sa kumbento. Lihim na tumutulong ang mga provincial sa gobyerno. Ipinagbubunyi naman si Padre Salvi at sinasabi na dapat siyang bigyan ng mitra. 
Sa Tondo, nagkaguluhan na sa bahay ni Kapitan Tinong. Balisa ang asawa niya na si Tinchang dahil magkaibigan ang Kapitan kay Ibarra at baka madakip siya ng mga Guwardiya Sibil. Dahil dito, tinawag ni Tinchang ang kanyang pinsan na si Don Primitivo, isang lalaking mahilig magsalita ng Latin. Nagbigay siya ng payo na dapat nilang bigyan ng mga regalo sa gobernador-heneral, magkunwari na may malubhang sakit si Kapitan Tinong, at, tulad ni Ibarra, sunugin ang lahat ng dokumento, papel, at aklat na pwedeng gawin pagpapahamak sa kanya. 
Sa wakas, hindi makaiwas si Kapitan Tinong sa mga Guwardiya Sibil, at tumanggap siya ng isang imbitasyon na matulog nalang sa Fort Santiago. 

Episode 24: Si Ibarra Ang Dahilan!

Marami ang nag-iiyakan dahil dinakip ang kanilang kamag-anak. Nagtakbuhan sila na parang baliw sa kumbento, kuwartel, at sa tribunal. Sinisisi nila si Ibarra sa lahat ng nangyari. 
Sa hapon, nakarating na ang iba pang mga nabilanggo sa harap ng tribunal, at dalawa sa kanila ay si Ibarra at Don Filipo. Lahat ng mga nabilanggo ay may kamag-anak maliban kay Ibarra. Sa tribunal, lahat ng nabilanggo ay galit kay Ibarra, at siya ang sinisi na pasimuno ng pagsalakay. Tiniis ni Ibarra ang lahat ng mga ito. 
Sa isang mataas na lugar, tinitingnan ni Pilosopong Tasio ang lahat ng nagaganap sa tribunal. Sa susunod na araw, natagpuan na siya’y patay na sa sariling bahay. 

Episode 23: Kamatayan ng Mga Sumalakay

Nasa kuwartel ang mga Guwardiya Sibil kasama ang mga dinakip. Nandiyan na rin sina Donya Consolacion at ang alferez. Isa sa mga dinakip ay si Tarsilo, kapatid ni Bruno. Tinatanong ng mga Guwardiya Sibil kung kaalam niya si Crisostomo Ibarra sa pagsalakay. Sabi naman ni Tarsilo na walang kinalaman si Ibarra dahil ang ginawa nila ay para ipaghiganti sa mga Guwardiya Sibil na pinatay ang ama nila. Sa kuwartel, nakita ni Tarsilo si Bruno, Lucas, at ang asawa ni Sisa, si Pedro. Lahat sila’y patay na. Dahil ayaw niyang magsalita sa mga tinatanong, nainis ang alferez at nag-utos na paluin si Tarsilo ng pamalo hanggang dumugo ang buong katawan niya. 
Sa pagdurusa ni Tarsilo, nakita niya ang kanyang kapatid na babae, pero hindi niya pinansin ito. Muli siyang pinalo hanggang dumugo ang katawan niya, at pagkatapos, itinimba siya sa loob ng isang balon hanggang mamatay. 

Episode 22: Ano Ang Nangyari Sa San Diego?

Natakot ang lahat ng mamamayan sa bayang San Diego. Walang tao’y naglalakad sa labas, at ni isa ay makikita sa mga daanan. Talagang tahimik ang lahat. Ngunit, dahil sa katapangan ng isang bata, nagbukas ang lahat ng bintana, at nagpakita na sila. Mula sa mga pag-uusap nila, sobrang nakakatakot daw ang nangyari sa nagdaang gabi. Si Kapitan Pablo raw ang sumalakay sa kuwartel, at si Ibarra naman ay tinangka na itanan si Maria Clara para hindi matuloy ang pagkasal niya kay Linares. Ito ang dahilan na kung bakit dinakip ang binata. 
Samantala, ayon sa isang lalaki na nanggaling lamang sa tribunal, alam ni Bruno ang totoong nangyari. Galit daw si Ibarra dahil ikakasal si Maria Clara kay Linares. Dahil dito, sumalakay siya at ang kanyang kasama sa kuwartel at sa bahay ng mga pari, pero, sa kabutihang-palad, nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi kaya naligtas siya. Dahil sa ginawa ni Ibarra, sinunog ng mga Guwardiya Sibil ang bahay ng binata. 
May nakita naman na nakabitin sa ilalim ng isang puno si Lucas. 

Episode 21: Ang Bahay ni Ibarra: Nasunog!

Naghahapunan sina Kapitan Tiyago, Linares, at Tiya Isabel sa bahay ng Kapitan. Nasa bahay na rin sina Sisang, Padre Salvi, at Maria Clara, na humihintay na dumating si Ibarra. Dumating ang binata sa ika-walo ng gabi, at nagdasal sila sa pamumuno ni Padre Salvi. Biglang may paputok ng ilang sandali. Tinawag ng alferez si Padre Salvi at sinabi na tapos na ang mga paputok. At sa parehong oras, mabilis na umalis si Ibarra papuntang bahay niya para sumunod sa utos ni Elias na tumakas siya sa ibang malayong lugar, pero bago siyang kayang umalis, dumating na ang gobyerno at hinuli siya. 
Si Elias naman ay hindi tumigil sa pagtatakbo, at muntik na siya namatay sa tabing-dagat nang narinig niya ang paputok sa gabi. Mabilis na tumungo siya sa bahay ni Ibarra sa daanang may halaman para umiwas sa mga Guwardiya Sibil. Nang dumating niya sa bahay ni Ibarra at nalaman kung ano ang nangyari sa kanya, patuloy pa siya sa loob ng bahay, at naalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Nagdesisyon siya na sunugin ang lahat ng papel, dokumento, at damit na nasa loob pa ng bahay ni Ibarra dahil may dumarating na Guwardiya Sibil. Sa wakas, nasunog ang bahay ng binata. 

Episode 20: Si Elias at Ibarra: Magkaaway?

Tumigil ang lahat ng tao pagkarinig nila sa tunog ng relihiyong kampanilya, at nagdasal silang lahat. Subalit, mabilis na lumalakad si Padre Salvi patungo sa bahay ng alferez. Nalaman pala ng pari na may planong paghihimagsik ang mga tao sa bayan. Dahil dito, humingi si Padre Salvi ng proteksyon mula sa alferez.
Sa gabi na ito, si Elias naman ay patungo sa bahay ni Crisostomo Ibarra. Sinabi ni Elias na kailangan daw sunugin ang lahat ng papel at dokumento na maaaring gawing pagpapahamak sa binata. Sinabi rin ni Elias na kailangan umalis na si Ibarra patungo ibang lugar, pero hindi naman masyadong nauunawan sila dahil nasa isip pa rin ni Ibarra si Maria Clara, na may isang pagkikita kasama ang binata sa gabi. 
Tinulungan nalang ni Elias si Ibarra sa paghahanap ng mga susunugin na dokumento, pero huminto siya nang nalaman niya na ninuno pala ni Ibarra si Don Pedro Eibarramendia dahil siya ang dahilan ng lahat ng pagdurusa ng pamilya ni Elias. Dahil dito, mabilis na kinuha ni Elias ng dalawang punyal malapit sa kanya, pero sa ilang sandali ay huminto siya, tumingin kay Ibarra na nanatiling nakatayo lamang, at baliw na tumakbo paalis sa bahay ng binata. 

Episode 19: Pilosopong Tasio: Malapit na Mamatay!

Nakipag-usap sina Don Filipo at si Pilosopong Tasio. Sinabi ni Don Filipo na tumigil na siya sa pagiging tinyente mayor. Pagkatapos ay nag-usap sila tungkol sa mga iba’t ibang bagay tulad ng problema tungkol sa mga prayle at gobyerno at tungkol sa mga matatanda bilang halimbawa sa kabataan. Dahil noon ay may sakit si Pilosopong Tasio at alam niya na malapit na siya mamamatay, hiniling niya si Don Filipo na tawagan si Ibarra para makipag-usap sila. 

Episode 18: Rebolusyon!

Sa nakaraang gabi, may maraming nakitang ilaw sa sementeryo dahil may mga nagsugal doon. Subalit, ang tunay na layunin nito ay ang pagpulong para lumaban sa mga prayle at gobyerno. 

Episode 17: Mga Pagbabago

Nag-aalala si Linares dahil nakatanggap siya ng isang liham mula kay Donya Victorina, na ang sinasabi ay ‘pag hindi siya makikipag-away sa alferez, kakalatin ng Donya ang kanyang mga lihim. 
Pumunta si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago para sabihin kay Sinang na kailangan niya gumawa ng paraan para makikipag-usap siya kay Maria Clara. Sa hiling na ito, nangako si Sinang. 

Episode 16: Ang Buhay ni Elias

Punong-puno ng paghihirap ang buhay ni Elias. Ilang pagpapakita ng paghihirap niya ay ang pagsunog ng bahay ng ninuno niya, at pagkabilanggo ng ama niya. Pagkatapos nito’y hiniling ni Elias muli si Ibarra na tumulong sa mga inaapi at inuusig. Pero, tumutol si Ibarra dahil ayon sa kanya, mag-uunlad na ang bayan sa pamamagitan ng ginagawa niyang paaralan. Nabigo ang kanilang usapan. Sa wakas, nagpaalam at nagpasalamat si Elias sa binata, at pumunta siya sa tinataguan ni Kapitan Pablo para sumali sa pangkat.

Episode 15: Elias at Ibarra: Nagpalitan ng Ideya

Sumakay si Ibarra sa bangka kasama si Elias at pumunta sila sa malayo na lugar para malaya ang pag-uusap nila. Sinabi ni Elias kay Ibarra ang nais niyang baguhin tungkol sa mga suliranin ng mga inuusig tulad ng mas magandang pangangalaga sa bawat tao, at hiniling din niya na dapat mabawasan ang kapangyarihan ng mga prayle at gobyerno. Pero, tumutol si Ibarra sa hinihiling ni Elias, at dahil dito, nagpalitan sila ng mga ideya. Sinabi ni Elias na kailangan matanggal ang kapangyarihan ng simbahan at gobyerno, pero ayon naman kay Ibarra, ‘pag wala sila, marami ang gagawa ng krimen at walang taong magtuturo ng Kristiyanismo. Binanggit rin ni Ibarra na sa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya, talagang mag-uunlad ang Pilipinas kaysa sa kung walang impluwensiya ang Espanya sa bayan. Tumutol si Elias, at sinabi niya na talagang hindi makilala ni Ibarra ang kanyang bayan. Sa wakas, ikinuwento ni Elias ang kanyang buhay para ipakita ang isang halimbawa para kay Ibarra. 

Episode 14: Crisostomo Ibarra: Hindi na Eskomulgado!

Bumisita si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Maria Clara upang tingnan kung mas maganda ang kalagayan ni Maria Clara at para sabihin sa kanya na hindi na siya eskomulgado ayon sa arpobispo. Ngunit, pagpasok niya sa bahay ni Maria, hindi siya makapagsalita dahil nandiyan din si Linares. Naramdaman ni Ibarra ang isang kakaibang damdamin, at pumunta siya patungo sa kanyang ipinagagawang paaralan. Doon, binati niya si Nol Juan at sinabi niya na hindi na siya eskomulgado at may dala siyang sulat tungkol dito. Sinabi naman ni Juan na hindi importante iyon dahil lahat sila’y eskomulgado, pati na rin si Padre Damaso. Nakita ni Ibarra si Elias sa lugar na iyon, at sumang-ayon na mamangka sila sa baybay ng lawa para pag-usapan ang isang importanteng bagay. 

Episode 13: Donya Victorina at Donya Consolacion: Nag-away!

Nagpasyal si Donya Victorina sa bayan upang makita ang mga pangit na bahay ng mga Indio. Para magmayabang, nagsuot siya ng magandang damit, pero nainis at nagalit naman siya dahil wala ang pumapansin sa kanya. Dumaan siya sa labas ng bahay ni Donya Consolacion, pero lalo siyang nagalit dahil dumura si Consolacion sa kanya. Nag-away sila kahit na dumating ang alferez hanggang itinigil sila ni Padre Salvi. Pero, nagpatuloy pa rin sila sa pag-aaway, at pinapahamon nga ni Donya Victorina si Linares para labanin ang alferez sa pamamagitan ng baril. Dumating na si Kapitan Tiyago mula sa sabungan, na kung saan natalo ang kanyang isinabong na manok. Ikinuwento ni Donya Victorina ang lahat ng nangyari sa Kapitan, at sinabi pa nga niya na kung hindi lumaban si Linares, hindi na magiging asawa niya si Maria Clara. Sa lahat ng kaguluhan, nabatid na ni Maria Clara na dapat niyang ikasal si Linares. Sa gabing iyon, umalis na sina Donya Victorina at ang kanyang asawa papuntang Maynila. 

Episode 12: May Sabungan Pala Ang San Diego!


Katulad ng ibang lugar, meron ding sabungan ang San Diego, na kung saan may tatlong bahagi ito: una para sa kabayaran sa pagpasok, pangalawa para sa pagtitinda ng anumang bagay, at pangatlo para sa ruweda. Nasa sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio, at Lucas. Nagpakita si Kapitan Tiyago at ang kanyang isasabong na manok, pati na rin kay Kapitan Basilio. Pinag-usapan muna nila si Maria Clara bago biglang nagpustahan ang lahat ng mga sabungero kasama ang mga Kapitan at si Lucas, na kung saan dehado ang pulang manok kaysa sa puti. 
May dalawang binatang magkapatid, sina Tarsilo at Bruno, na gustong magpustahan din pero wala silang pera. Lumapit ang pinakabata sa magkapatid kay Lucas para magpautang, ngunit ayaw sumunod ang mas matanda sa magkapatid sa kundisyon ni Lucas. Sa wakas, hindi ibinigay ni Lucas ang magkapatid ng pera dahil ito’y mula kay Crisostomo Ibarra at nararapat ang perang iyan para sa mga malalakas na tao, di katulad ng magkapatid. Biglang nagsimula na ang sabungan. 
Sa wakas, nanalo ang pulang manok. Naging malungkot na ang magkapatid dahil hindi sila nagpustahan. Nakita nila ang asawa ni Sisa, si Pedro. 
Magsisimula na ang susunod na sabungan na ang paglalabanin ay ang mga manok nina Kapitan Basilio at Tiyago. Nakalimutan na ang magkapatid ang kanilang kapatid na babae, at sa halip, nagkasunduan sila kay Lucas na magsalakay sa kuwartel upang mabigyan sila ng pera. 

Episode 11: Kaibigan Ni Elias: Sino Siya?

Umalis si Elias sa San Diego at hinanap niya si Kapitan Pablo, isang dating kakilala ni Elias, sa kabundukan pagkatapos niya’y hinanap ito sa dalawang lalawigan. Mahina na ang katawan ng Kapitan at punong-puno ng sugat. Hiniling ni Elias si Kapitan Pablo na samahan siya mamuhay ng ordinaryong buhay bilang mag-ama, pero umayaw naman ang Kapitan dahil kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang mga patay na anak. Sinabi naman ni Elias na may kilala siyang isang binatang mayaman na kaibigan niya ang Gobernador-Heneral: si Ibarra. Dahil dito, nagsunduan silang dalawa na ihihiling ni Elias na tumulong si Ibarra sa mga inuusig at titigilan ni Kapitan Pablo ang kanyang pag-aaway sa kanyang mga buhong. Ginaganap ang lahat ng mga ito sa loob ng apat na araw. 

Thursday, October 7, 2010

Episode 6: Ano Ang Nangyari Sa Entablado?

Sa alas dies ng gabi, ang liwanag mula sa mga kuwitis ay ang tanging gabay para sa mga taong naglalakad patungo sa bayan, na kung saan matatagpuan ang isang dulaan na may isang malaking entablado. Dito, nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopong Tasio tungkol sa kanyang desisyon na magbitiw sa tungkuling Tinyente Mayor, ngunit hindi sang-ayon ang mga kura sa desisyong ito. Bigla nalang dumating na ang iba’t ibang tao, katulad nina Maria Clara, Padre Salvi, at iba pa. 

Nagsimula ang dulang Crispino dela Comare, at lahat ay tumitingin lamang sa entablado, maliban kay Padre Salvi na tumitingin lamang kay Maria Clara. Pagwakas ng unang bahagi ng dula, dumating na si Ibarra at binati niya ang lahat ng kaibigan niya, pati na rin si Maria Clara. Biglang nagseselos si Padre Salvi sa ginagawa ni Ibarra, kaya sinabihan niya si Don Filipo na paalisin niya ang binata. Umalis na si Padre Salvi pagkatapos, dahil sabi ni Don Filipo na wala siyang kapangyarihan sa ginagawa ni Ibarra, at dahil may marami siyang utang sa kanya. 

Umalis si Ibarra nang saglit lamang. Pinuntahan ni Don Filipo ang mga guwardiya sibil na ihinto muna ang dula dahil istorbo ito kay Donya Consolacion. Subalit, hindi sinunod ito ang sa wakas, tinapos ang dula. Nagkagulo ang lahat ng mga tao dahil hindi hininto ang dula ng mga guwardiya sibil, at nag-away silang lahat. Bumalik na si Ibarra at hinanap niya si Maria Clara, pero hindi niya kayang gumawa ito dahil nagkakapit-bisig at humahanga ang maraming babae sa kanya sa panahon na iyon. 

Habang nagpapatuloy pa ang kaguluhan, may binabalak na masama sa mga sibil ang isang grupong lalaki, at para magiging di gaanong delikado ang sitwasyon, sinabi ni Ibarra na puntahan ni Elias ang mga kalalakihan para magbantay sa kanila. 

Nakita ni Padre Salvi ang lahat ng kaguluhan na nagaganap sa dulaan, at nakita niya rin sina Tiya Isabel at Maria Clara na nawalan ng malay. Pumunta siya sa kanilang puwesto, dinala niya ang dalawang ito sa bahay ni Kapitan Tiago, at bumalik agad sa kumbento, na walang masamang ginawa sa kanilang dalawa. 

Episode 5: Ang Asawa ng Alferez: Tunay Na Baliw!


Si Donya Consolacion, ang asawa ng Alferez, ay nanatili sa bahay niya dahil hindi pinayagang lumabas ito ng kanyang asawa. Hindi pa siya nakapagsimba, at nakakatawa raw ang kanyang paraan ng pagdadamit. Ngunit, sa halip ng mga ito, sa palagay ni Donya Consolacion ay mas maganda siya kaysa kay Maria Clara. 

Bukod pa rito, malakas ang damdamin ni Donya Consolacion sa panahon na iyon dahil minura at ininsulto ng Alferez ang babae, at nag-iisip siya ng paraan para maghiganti. Inutos ni Donya Consolacion na isara ang lahat ng bintana, pintuan at sindihan ang ilaw upang siya’y makapag-isip nang mabuti. Subalit, habang ginagawa niya ito, narinig niya ang pagkakanta ni Sisa sa kwartel. Pinuntahan ni Donya Consolacion ito para kumanta sa kanya, pero hindi inintindihan ni Sisa ang sinasabi ni Donya Consolacion dahil nagsalita siya sa wikang Kastila at baliw na si Sisa. 

Pero, hindi sumuko si Donya Consolacion. Kinuha niya ang latigo ng asawa niya, at pinilit niya si Sisa upang kumanta ito. Nang ayaw pa rin kumanta ang baliw, inutusan ni Donya Consolacion sa mga sundalo na sabihin kay Sisa kung ano ang gusto niya. Sa wakas, kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi, at nakaramdam ni Donya Consolacion ang ibig sabihin ng kanta. Dahil dito, bigla nalang nagsalita siya ng Tagalog sa pagkagulat ng mga sundalo. Pagkita niya ito, nagalit si Donya Consolacion at ipinalayas ang mga ito. Inutusan naman ni Donya Consolacion na sumayaw si Sisa. 

Nang ayaw niya gumawa ito, pinalo niya ito sa binti at paa. Nasiyahan siya sa pagpalo kay Sisa dahil lumabas ang kanyang damdamin sa panahong ito. Sa pagpalo, hindi niya pinansin na pumasok na pala ang Alferez sa kwartel. Nang makita niya ito, nagalit siya sa asawa at itinigil ang pagpalo. Sinabi niya na kailangan gamutin ang mga sugat ni Sisa at ipahiga sa kama para magpahinga dahil sa kinabukasan ay pupunta siya sa bahay ni Ibarra. 

Sa isang flashback, makikita ang dahilan na kung bakit ang plastik niya sa harap ng mga tao. Ang pagkakaroon ng hindi sapat na edukasyon at pagiging labandera ng Alferez ay ilan sa mga ito. 

Episode 4: Prusisyon: Ang Gabing Pinaghandaan


Naglalakad ang Kapitan-Heneral kasama ang kanyang mga kagawad, ang alkalde, si Kapitan Tiago, at si Ibarra papuntang bahay ng Kapitan. Nagsimula na ang prusisyon, na kung saan may maraming paputok sa langit at maririnig ng lahat ang tunog ng mga batingaw. Kung hindi daw sa imbitasyon ng Kapitan-Heneral, mananatili si Ibarra sa tahanan ni Kapitan Tiago upang makasama si Maria Clara. 

Ang prusisyon ay isang inayos na pangyayari. Ang mga sakristano ay ang unang lumakad, at pagkatapos ay ang mga guro, mag-aaral, at ang mga batang may dala-dalang parol. Mayroon ding mga agwasil na sineserbisyong tagapalo ng mga batang wala sa hanay o linya. May mga nagbibigay ng libreng kandila para sa prusisyon. 

Ang pagkakasunod-sunod ng mga santong pinuprusisyon ay inayos din. Ang una ay si San Juan Bautista, pagkatapos ay sina San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala, at ang Birheng Maria. Si San Diego naman ay hinihila ng mga Hermano Tercero. 

Nagpatuloy lamang ang prusisyon hanggang sa isang kubol malapit sa bahay ng Kapitan. Lumabas ang isang bata na nagbigkas ng papuri sa wikang Latin, Kastila, at Tagalog. Pagkatapos, umawit si Maria Clara ng Ave Maria. Nalungkot tuloy si Ibarra, pero nakuha niya ang mensahe ng kinakanta ng dalaga. Biglang lumapit ang Kapitan-Heneral kay Ibarra, at sinabi niya na ang tunay na dahilan na kung bakit inimbita si Ibarra sa prusisyon ay para mag-usap tungkol sa pagkawala nina Crispin at Basilio. 

Episode 3: Kapitan-Heneral: Nagkakampi Kay Ibarra!


Kinausap muna ng Kapitan-Heneral ang binatang taga-Maynila na biglang lumabas noong nagsermon si Padre Damaso. Natakot ang binata dahil akala nito na paparusahan siya ng Kapitan-Heneral, pero paglabas niya, ngumingiti siya. Ipinakita ng eksenang ito ang ibang katangian ng Kapitan-Heneral, na may limitasyon ang kanyang katarungan. 

Pumasok na ang mga pari tulad sina Padre Sibyla, Padre Salvi, at iba pa. Nagbigay ng galang ang mga ito sa Kapitan-Heneral sa pamamagitan ng pagyuko, at ganito rin ang nangyari kay Kapitan Tiago at Maria Clara. Nang nakita ng Kapitan-Heneral na wala si Padre Damaso, sinabi ng mga pari na siya’y may sakit at hindi kayang pumunta. 

Pinurihan ni Maria Clara ang Heneral dahil kung hindi sa kanya, maaari na nabilanggo na si Ibarra dahil sa ginawa niya kay Damaso. Pagkatapos, ipinahayag na dumating na si Ibarra at nais niyang harapin ang Heneral. Kagyat na nabalisa si Maria Clara nang isinabi ang pangalan ni Ibarra, kaya nais naman ng Kapitan-Heneral na makipag-usap kay Maria Clara bago siyang umalis papuntang Espanya. 

Ngunit, sa panahon na iyon, laging sinasabi ni Padre Salvi na iskomulgado si Ibarra, pero hindi siya pinansin. Sa halip na paparusahan si Ibarra, inutos ng Kapitan-Heneral na ibigay ang isang liham kay Padre Damaso para gumaling siya. Umalis na ang mga pari. 

Pagkapasok si Ibarra, sinabi ng Heneral na tama ang ginawa niyang pagtanggol sa pagkatao ng ama niya. Dahil dito, nais na makikipag-usap ang Heneral at ang arpobispo tungkol sa ekskomunikasyon ni Ibarra.

Nagkuwento sila nang kaunti, at sinabi ni Ibarra na natagpuan niya ang pamilya ng Kapitan-Heneral noong siya’y pumunta sa Madrid, pero walang liham na ibinigay mula sa kanyang pamilya. Sa pagkuwento, sinabi ng Heneral na tunay na matalino si Ibarra, at gusto niyang bumili ng kahit anong ari-arian para sa kanya upang sumama ito papuntang Espanya dahil hindi raw angkop ang pag-iisip ni Ibarra sa Pilipinas. Pero, sabi ni Ibarra, kahit na maganda talaga ang Espanya, ang Pilipinas ay ang lugar na kung saan nakatira ang magulang niya. 

Pagkatapos ng pagkukuwento, naalala ng Heneral si Maria Clara, at sinabi niya na kailangan puntahan ni Ibarra si Maria Clara, kaya umalis na ang binata. Pag-alis niya, sinabi ng Kapitan-Heneral sa Alkalde na huwag magpakialam sa mga ginagawa ni Ibarra. Pumasok ulit si Kapitan Tiago, at pinuri ng Heneral siya at ang kanyang anak. 

Hinahanap ni Ibarra si Maria Clara, pero pagkatok niya sa pintuan ng silid ng dalaga, si Sinang ang lumabas, at sinabi niya na isulat nalang ni Ibarra ang kanyang nais sabihin dahil pupunta ang mga babae sa teatro. 

Episode 2: Suliranin: Gulo sa Bahay ng Kapitan!





Sa bahay ni Kapitan Tiago, nagkakaroon ng gulo dahil hindi pa dumating ang Kapitan-Heneral. Nag-aaway sina Kapitan Tiago, Maria Clara, Andeng, at Tiya Isabel dahil pinagbawalan si Maria Clara ng kanyang ama na makipag-usap kay Crisostomo Ibarra dahil hindi pa inalis ang ekskomunikasyon niya. 

Biglang umalis nalang si Kapitan Tiago papuntang kumbento, at inalo naman ni Tiya Isabel si Maria Clara sa pagsasabi na sila’y magbibigay ng malaking limos. Sinabi rin niya na madali ang pagpapatawad ni Ibarra dahil nawala lamang ng ulirat si Padre Damaso. Pagkatapos nito ay nagboluntaryo si Andeng para gumawa ng isang paraan na kung saan makikipag-usap sina Ibarra at Maria Clara. 

Bumalik na si Kapitan Tiago, pero may dala siyang hindi mabuting balita. Sabi raw ng mga pari na dapat sirain ang pagsisintahan nina Maria Clara at Ibarra, at hindi dapat bayaran ang utang ni Kapitan Tiago na P50,000 kay Ibarra, at kung hindi, mawawala ang kanyang kaluluwa at buhay. 

Inalo ni Kapitan Tiago ang kanyang anak, pero may sinabi pa siya na ang kamag-anak ni Padre Damaso mula sa Europa ay magiging bagong kasintahan ni Maria Clara. Umiyak si Maria Clara ulit at nagalit naman si Tiya Isabel sa Kapitan. 

Iminungkahi ni Tiya Isabel ang Kapitan na sulatan ang arpobispo dahil siya’y isang kaibigan, pero sabi naman ni Tiago na walang kuwenta ito dahil siya’y isang pari at ang mga kakampi niya ay pari rin. Tumigil na si Maria Clara sa pag-iiyak. 

Maya-maya, dumating na ang Kapitan-Heneral at iba pang mga tao, pero tumakbo sa loob ng silid si Maria Clara upang magdasal sa Birheng Maria. Si Tiya Isabel naman ay gustong makipag-usap sa Kapitan-Heneral. 

Episode 1: Mga Reaksyon: Ano Ang Sinasabi Nila?




Ang nangyari kay Padre Damaso at Crisostomo Ibarra ay kumalat na sa buong San Diego. Sa kanilang dalawa, hindi pa sigurado kung sino ang may katwiran, pero sabi ni Kapitan Martin na walang nakapigil kay Ibarra sa kanyang ginawa dahil hindi siya takot sa awtoridad. Sabi ni Ibarra na hindi niya titigil sa pag-aaway sa mga taong walang respeto sa kanyang ama kahit na patay na siya. Pero, dahil sa pagmamahal niya kay Maria Clara, hindi siya nagdesisyon na patayin si Padre Damaso. 
Inaasahan ni Ibarra na tutulungan siya ni Don Filipo dahil sa mga mabuting ginawa ng ama at ang kanyang sarili sa kanya, pero sabi naman ni Don Filipo na mahirap makapagdesisyon siya dahil laging may kapangyarihan ang mga pari, at may maraming silang pera para makapagimpluwensiya sa ibang tao. 
Sa kabilang bahagi, maraming tao ay natatakot dahil sa ginawa ni Ibarra at ni Padre Damaso. Maraming babae ay natatakot na mawala sila sa grasya ng simbahan, at ang mga magsasaka naman ay natatakot dahil baka hindi tatapusin ang paaralan na tinatayo, ang tanging paraan na kung saan pwedeng tapusin ang mga anak ng magsasaka ng kolehiyo. Pero, may nagsabi daw na hindi na itutuloy ang pagpapatayo nito dahil tinawag na pilibustero ng pari si Ibarra, pero hindi naman alam ng mga magsasaka na kung ano ang ibig sabihin nito. 

Heto na! ABS-CBN Presents: Huwag Mo Akong Salingin


Handa na ba kayo? Tapusin ninyo na ang paghihintay dahil sa taong ito, nagpulong ang mga pinuno ng ABS-CBN at sang-ayon ang lahat para ipakita sa inyo ang bagong teleserye! Buong karangalan na ipapakita namin mula sa ABS-CBN ang pinakabagong adaptasyon ng tanyag na aklat ni Jose Rizal, ang Noli Me Tangere, na magiging kabatayan ng aming bagong programa, Huwag Mo Akong Salingin. Magsisimula na kami sa paglalagay ng kontento sa website na ito tulad ng mga sinopsis para alamin ninyong lahat kung ano ang pinag-uusapan natin!

Sana'y masiyahan kayong lahat!

*Huwag Mo Akong Salingin
Tuwing Miyerkules pagkatapos ng Noah sa Primetime Bida*

Source para sa mga imahe: http://komiklopedia.files.wordpress.com/2008/04/nolimetangere1.jpg?w=305
http://www.sports.nfo.ph/wp-content/uploads/2009/04/abs_cbn_logo.jpg