ABS-CBN Presents: Huwag Mo Akong Salingin
Liam Ng, Kyle Lim, John Lu

Thursday, October 7, 2010

Episode 3: Kapitan-Heneral: Nagkakampi Kay Ibarra!


Kinausap muna ng Kapitan-Heneral ang binatang taga-Maynila na biglang lumabas noong nagsermon si Padre Damaso. Natakot ang binata dahil akala nito na paparusahan siya ng Kapitan-Heneral, pero paglabas niya, ngumingiti siya. Ipinakita ng eksenang ito ang ibang katangian ng Kapitan-Heneral, na may limitasyon ang kanyang katarungan. 

Pumasok na ang mga pari tulad sina Padre Sibyla, Padre Salvi, at iba pa. Nagbigay ng galang ang mga ito sa Kapitan-Heneral sa pamamagitan ng pagyuko, at ganito rin ang nangyari kay Kapitan Tiago at Maria Clara. Nang nakita ng Kapitan-Heneral na wala si Padre Damaso, sinabi ng mga pari na siya’y may sakit at hindi kayang pumunta. 

Pinurihan ni Maria Clara ang Heneral dahil kung hindi sa kanya, maaari na nabilanggo na si Ibarra dahil sa ginawa niya kay Damaso. Pagkatapos, ipinahayag na dumating na si Ibarra at nais niyang harapin ang Heneral. Kagyat na nabalisa si Maria Clara nang isinabi ang pangalan ni Ibarra, kaya nais naman ng Kapitan-Heneral na makipag-usap kay Maria Clara bago siyang umalis papuntang Espanya. 

Ngunit, sa panahon na iyon, laging sinasabi ni Padre Salvi na iskomulgado si Ibarra, pero hindi siya pinansin. Sa halip na paparusahan si Ibarra, inutos ng Kapitan-Heneral na ibigay ang isang liham kay Padre Damaso para gumaling siya. Umalis na ang mga pari. 

Pagkapasok si Ibarra, sinabi ng Heneral na tama ang ginawa niyang pagtanggol sa pagkatao ng ama niya. Dahil dito, nais na makikipag-usap ang Heneral at ang arpobispo tungkol sa ekskomunikasyon ni Ibarra.

Nagkuwento sila nang kaunti, at sinabi ni Ibarra na natagpuan niya ang pamilya ng Kapitan-Heneral noong siya’y pumunta sa Madrid, pero walang liham na ibinigay mula sa kanyang pamilya. Sa pagkuwento, sinabi ng Heneral na tunay na matalino si Ibarra, at gusto niyang bumili ng kahit anong ari-arian para sa kanya upang sumama ito papuntang Espanya dahil hindi raw angkop ang pag-iisip ni Ibarra sa Pilipinas. Pero, sabi ni Ibarra, kahit na maganda talaga ang Espanya, ang Pilipinas ay ang lugar na kung saan nakatira ang magulang niya. 

Pagkatapos ng pagkukuwento, naalala ng Heneral si Maria Clara, at sinabi niya na kailangan puntahan ni Ibarra si Maria Clara, kaya umalis na ang binata. Pag-alis niya, sinabi ng Kapitan-Heneral sa Alkalde na huwag magpakialam sa mga ginagawa ni Ibarra. Pumasok ulit si Kapitan Tiago, at pinuri ng Heneral siya at ang kanyang anak. 

Hinahanap ni Ibarra si Maria Clara, pero pagkatok niya sa pintuan ng silid ng dalaga, si Sinang ang lumabas, at sinabi niya na isulat nalang ni Ibarra ang kanyang nais sabihin dahil pupunta ang mga babae sa teatro. 

No comments:

Post a Comment