ABS-CBN Presents: Huwag Mo Akong Salingin
Liam Ng, Kyle Lim, John Lu

Thursday, October 7, 2010

Episode 2: Suliranin: Gulo sa Bahay ng Kapitan!





Sa bahay ni Kapitan Tiago, nagkakaroon ng gulo dahil hindi pa dumating ang Kapitan-Heneral. Nag-aaway sina Kapitan Tiago, Maria Clara, Andeng, at Tiya Isabel dahil pinagbawalan si Maria Clara ng kanyang ama na makipag-usap kay Crisostomo Ibarra dahil hindi pa inalis ang ekskomunikasyon niya. 

Biglang umalis nalang si Kapitan Tiago papuntang kumbento, at inalo naman ni Tiya Isabel si Maria Clara sa pagsasabi na sila’y magbibigay ng malaking limos. Sinabi rin niya na madali ang pagpapatawad ni Ibarra dahil nawala lamang ng ulirat si Padre Damaso. Pagkatapos nito ay nagboluntaryo si Andeng para gumawa ng isang paraan na kung saan makikipag-usap sina Ibarra at Maria Clara. 

Bumalik na si Kapitan Tiago, pero may dala siyang hindi mabuting balita. Sabi raw ng mga pari na dapat sirain ang pagsisintahan nina Maria Clara at Ibarra, at hindi dapat bayaran ang utang ni Kapitan Tiago na P50,000 kay Ibarra, at kung hindi, mawawala ang kanyang kaluluwa at buhay. 

Inalo ni Kapitan Tiago ang kanyang anak, pero may sinabi pa siya na ang kamag-anak ni Padre Damaso mula sa Europa ay magiging bagong kasintahan ni Maria Clara. Umiyak si Maria Clara ulit at nagalit naman si Tiya Isabel sa Kapitan. 

Iminungkahi ni Tiya Isabel ang Kapitan na sulatan ang arpobispo dahil siya’y isang kaibigan, pero sabi naman ni Tiago na walang kuwenta ito dahil siya’y isang pari at ang mga kakampi niya ay pari rin. Tumigil na si Maria Clara sa pag-iiyak. 

Maya-maya, dumating na ang Kapitan-Heneral at iba pang mga tao, pero tumakbo sa loob ng silid si Maria Clara upang magdasal sa Birheng Maria. Si Tiya Isabel naman ay gustong makipag-usap sa Kapitan-Heneral. 

No comments:

Post a Comment