Ang balita ng rebolusyon sa San Diego ay kumalat at umabot sa Maynila, na kung saan inilimbag ang balitang ito sa mga dyaryo na may iba’t ibang pagsasalaysay ng balita. Dahil sa mga nangyari sa San Diego, ang kapayapaan sa iba’t ibang bahay ay nawala na.
Iba naman ang pinag-usapan at nangyari sa kumbento. Lihim na tumutulong ang mga provincial sa gobyerno. Ipinagbubunyi naman si Padre Salvi at sinasabi na dapat siyang bigyan ng mitra.
Sa Tondo, nagkaguluhan na sa bahay ni Kapitan Tinong. Balisa ang asawa niya na si Tinchang dahil magkaibigan ang Kapitan kay Ibarra at baka madakip siya ng mga Guwardiya Sibil. Dahil dito, tinawag ni Tinchang ang kanyang pinsan na si Don Primitivo, isang lalaking mahilig magsalita ng Latin. Nagbigay siya ng payo na dapat nilang bigyan ng mga regalo sa gobernador-heneral, magkunwari na may malubhang sakit si Kapitan Tinong, at, tulad ni Ibarra, sunugin ang lahat ng dokumento, papel, at aklat na pwedeng gawin pagpapahamak sa kanya.
Sa wakas, hindi makaiwas si Kapitan Tinong sa mga Guwardiya Sibil, at tumanggap siya ng isang imbitasyon na matulog nalang sa Fort Santiago.
No comments:
Post a Comment