Sa alas dies ng gabi, ang liwanag mula sa mga kuwitis ay ang tanging gabay para sa mga taong naglalakad patungo sa bayan, na kung saan matatagpuan ang isang dulaan na may isang malaking entablado. Dito, nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopong Tasio tungkol sa kanyang desisyon na magbitiw sa tungkuling Tinyente Mayor, ngunit hindi sang-ayon ang mga kura sa desisyong ito. Bigla nalang dumating na ang iba’t ibang tao, katulad nina Maria Clara, Padre Salvi, at iba pa.
Nagsimula ang dulang Crispino dela Comare, at lahat ay tumitingin lamang sa entablado, maliban kay Padre Salvi na tumitingin lamang kay Maria Clara. Pagwakas ng unang bahagi ng dula, dumating na si Ibarra at binati niya ang lahat ng kaibigan niya, pati na rin si Maria Clara. Biglang nagseselos si Padre Salvi sa ginagawa ni Ibarra, kaya sinabihan niya si Don Filipo na paalisin niya ang binata. Umalis na si Padre Salvi pagkatapos, dahil sabi ni Don Filipo na wala siyang kapangyarihan sa ginagawa ni Ibarra, at dahil may marami siyang utang sa kanya.
Umalis si Ibarra nang saglit lamang. Pinuntahan ni Don Filipo ang mga guwardiya sibil na ihinto muna ang dula dahil istorbo ito kay Donya Consolacion. Subalit, hindi sinunod ito ang sa wakas, tinapos ang dula. Nagkagulo ang lahat ng mga tao dahil hindi hininto ang dula ng mga guwardiya sibil, at nag-away silang lahat. Bumalik na si Ibarra at hinanap niya si Maria Clara, pero hindi niya kayang gumawa ito dahil nagkakapit-bisig at humahanga ang maraming babae sa kanya sa panahon na iyon.
Habang nagpapatuloy pa ang kaguluhan, may binabalak na masama sa mga sibil ang isang grupong lalaki, at para magiging di gaanong delikado ang sitwasyon, sinabi ni Ibarra na puntahan ni Elias ang mga kalalakihan para magbantay sa kanila.
Nakita ni Padre Salvi ang lahat ng kaguluhan na nagaganap sa dulaan, at nakita niya rin sina Tiya Isabel at Maria Clara na nawalan ng malay. Pumunta siya sa kanilang puwesto, dinala niya ang dalawang ito sa bahay ni Kapitan Tiago, at bumalik agad sa kumbento, na walang masamang ginawa sa kanilang dalawa.