ABS-CBN Presents: Huwag Mo Akong Salingin
Liam Ng, Kyle Lim, John Lu

Tuesday, November 9, 2010

Epilogo: Ano Na Ang Nangyari Sa Kanila?

Pumasok na si Maria Clara sa kumbento, pero umalis naman si Padre Damaso sa bayan para tumira sa Maynila. Pareho din na umalis si Padre Salvi, pero paminsan-minsan ay nagsesermon siya sa Santa Clare dahil ito ang kumbento ni Maria Clara. Sa paglipas ng panahon ay tumanggap si Padre Damaso ng utos mula sa Padre Probinsyal na maging kura sa malayong lugar. Pero, hindi niya ginawa ito dahil namatay pala siya sa kanyang silid. 
Nalungkot si Kapitan Tiyago sa nangyayari kay Maria Clara, kaya nagdesisyon siya na titira siya ng mag-isa lamang. Pinauwi niya si Tiya Isabel sa San Diego o Malabon. 
Walang taong tumatawag kay Don Tiburcio para sa gamot. Si Linares naman ay namatay dahil sa pag-aabuso ng kanyang pinsan, si Donya Victorina. 
Bumalik naman ang alferez sa Espanya, pero iniwan niya ang kanyang asawa na si Donya Consolacion sa Pilipinas. 
Nakita naman ng dalawang sundalo si Maria Clara, baliw at nakatayo sa bubong ng kumbento habang umuulan nang malakas. Tinawag nila ang isang taong gumagamot sa mga baliw, pero ayon sa kanya, wala ng magagawa para kay Maria Clara. 

Episode 29: Buhay Pa Si Basilio!

Malapit sa kabundukan, nakatira ang isang mag-anak na Tagalog. Ang pangangaso ay ang pamumuhay nila. Sa loob ng bahay, may dalawang bata na naglalaro, at sa tabi nila isa pa: si Basilio, anak ni Sisa. Ang lolo ng mga bata’y ipinagbili ng mga walis para pwede silang makabili ng gamit dahil Pasko na. Ayaw ni Basilio ang anumang bagay para sa Pasko, pero gusto niya ay pumunta sa bayan ng San Diego upang makita ang ina at kapatid. Pumayag ang lolo. 
Sa San Diego, sirang-sira na ang bahay nila, at wala siyang kaalaman tungkol kay Crispin, ang kanyang kapatid. Narinig niya ang awit ng ina niya si Sisa, at sinundan niya ito. Subalit, dahil biglang narinig ni Sisa ang mga sundalo na dumarating, tumakbo siya paalis sa bayan. Tumakbo rin si Basilio para habulin ang ina. 
Umabot sila sa kagubatan, at pumasok si Sisa sa isang puntod ng isang matandang Espanyol para tumago. Gustong pumasok din si Basilio, pero hindi mabuksan ang pinto. Kaya umakyat siya sa puno malapit sa puntod, at nahulog siya sa loob ng puntod. Bago siya’y nawala ng malay, hinalikan niya ang kanyang ina. 
Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata, at nakilala niya ang kanyang anak. Niyakap at hinalikan niya si Basilio. Nang nagkaroon ulit ng malay si Basilio, nakita niya ang kanyang ina na nakahiga sa lupa, walang-malay at hindi gumagalaw. Nalaman ni Basilio na patay na pala siya, at niyakap niya muli ang kanyang ina. 
Dumating ang isang lalaki. Nais ni Basilio na tumulong siya sa paglilibing ng kanyang ina, at dahil malapit na mamatay rin ang lalaki, pumayag siya. Hiniling niya si Basilio na kumuha ng kahay panggatong para sa libingan niya at ni Sisa. Pumayag si Basilio at umalis para kumuha. Sa wakas, namatay rin ang lalaki.

Episode 28: Ang Mga Hiling Ni Maria Clara

Nakita ni Maria Clara na nabalitaan na namatay si Ibarra sa Ilog Pasig. Maligayang dumating si Padre Damaso para makipag-usap kay Maria Clara, pero nakita niya na malungkot siya. Gusto ni Maria Clara na sirain ang pagkasal niya kay Linares dahil wala ng halaga ang kanyang buhay kung patay si Ibarra. Hiniling din niya sa Padre na ipasok siya sa kumbento para maging madre, at kung hindi magpapakamatay nalang siya. Hindi maniwala si Padre Damaso sa sinasabi ni Maria Clara, pero sumang-ayon at pumayag naman siya. 

Episode 27: Pinatay Na Si Elias?

Plano ni Elias na itago muna si Ibarra sa Mandaluyong na kung saan nandiyan ang kanyang kaibigan, at pagkatapos naman ay sa ibang bansa. Hiling ni Ibarra ay sumama rin si Elias, pero sabi ni Elias na kailangan niya manatili sa Pilipinas para tumulong sa sariling bayan. Dinaanan nila ang palasyo ng gobernador-heneral pati na rin mga Guwardiya Sibil, pero iniwasan nila ang mga ito. Plano nila ay tumuloy nalang sa Ilog Pasig. Nag-usap sila ulit. Gustong maghimagsik si Ibarra para sa bayan, pero hindi pumayag si Elias. Nagdesisyon si Ibarra na maghimagsik ng mag-isa. 
Sa Ilog Pasig, nakita nila na may mga bangka na lumalapit sa kanila. Ito pala ang mga Guwardiya Sibil, kaya ipinahiga ni Elias si Ibarra sa bangka at tinakpan niya siya gamit ang mga bayong. Pero, sa pag-iiwas nila, nakita sila ng mga Guwardiya Sibil, kaya nagsimula na ang paghabol. Nagdesisyon na lalangoy si Elias para tulakin ang bangka nila sa ilalim ng tubig at para guluhin ang mga Guwardiya Sibil. Nagplano sila na magpupulong sila sa libingan ng lolo ni Ibarra ‘pag Noche Buena na. Pagkalipas ng oras, malayo na ang bangka nina Ibarra, pero nakikita pa si Elias. Nagtuluyang binaril nila si Elias na nakatago sa ilalim ng tubig. Sa wakas, nakita nila na may dugo malapit sa baybayin. 

Episode 26: Si Maria Clara: Magkakasal Na!

Dumating sina Donya Victorina, ang kanyang asawa, at si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Pinag-usapan nila ang sitwasyon nina Maria Clara at Linares, at sumang-ayon na sa madaling panahon ay ikakasal na silang dalawa, at sa susunod na araw ay ipapahayag na ni Kapitan Tiyago ang pagkasal nila. Si Padre Salvi at ang alferez naman ay aalis na sa San Diego dahil mas mataas na ang kanilang tungkulin. 
Sa silid, kunwari na natutulog si Maria Clara, at pagkatapos umalis si Tiya Isabel sa kwarto, pumunta ang dalaga sa asotea. May bangka malapit diyan, at umakyat si Ibarra sa asotea. Sinabi niya na tumakas siya sa bilangguan dahil tumulong si Elias. Ipinahayag naman ni Maria Clara na hindi pwede silang umibig sa isa’t isa dahil siguradong hindi papayagan nito ng tunay na ama ni Maria Clara, si Padre Damaso. Nagpakita pa nga ni Maria Clara ng dalawang liham mula sa kanyang ina bilang patunayan. Muling sinabi ni Maria Clara na mahal na mahal niya si Ibarra, bago umalis na ang binata kasama si Elias sa bangka. 

Episode 25: Ang Kawawang Kapitan Tinong

Ang balita ng rebolusyon sa San Diego ay kumalat at umabot sa Maynila, na kung saan inilimbag ang balitang ito sa mga dyaryo na may iba’t ibang pagsasalaysay ng balita. Dahil sa mga nangyari sa San Diego, ang kapayapaan sa iba’t ibang bahay ay nawala na.
Iba naman ang pinag-usapan at nangyari sa kumbento. Lihim na tumutulong ang mga provincial sa gobyerno. Ipinagbubunyi naman si Padre Salvi at sinasabi na dapat siyang bigyan ng mitra. 
Sa Tondo, nagkaguluhan na sa bahay ni Kapitan Tinong. Balisa ang asawa niya na si Tinchang dahil magkaibigan ang Kapitan kay Ibarra at baka madakip siya ng mga Guwardiya Sibil. Dahil dito, tinawag ni Tinchang ang kanyang pinsan na si Don Primitivo, isang lalaking mahilig magsalita ng Latin. Nagbigay siya ng payo na dapat nilang bigyan ng mga regalo sa gobernador-heneral, magkunwari na may malubhang sakit si Kapitan Tinong, at, tulad ni Ibarra, sunugin ang lahat ng dokumento, papel, at aklat na pwedeng gawin pagpapahamak sa kanya. 
Sa wakas, hindi makaiwas si Kapitan Tinong sa mga Guwardiya Sibil, at tumanggap siya ng isang imbitasyon na matulog nalang sa Fort Santiago. 

Episode 24: Si Ibarra Ang Dahilan!

Marami ang nag-iiyakan dahil dinakip ang kanilang kamag-anak. Nagtakbuhan sila na parang baliw sa kumbento, kuwartel, at sa tribunal. Sinisisi nila si Ibarra sa lahat ng nangyari. 
Sa hapon, nakarating na ang iba pang mga nabilanggo sa harap ng tribunal, at dalawa sa kanila ay si Ibarra at Don Filipo. Lahat ng mga nabilanggo ay may kamag-anak maliban kay Ibarra. Sa tribunal, lahat ng nabilanggo ay galit kay Ibarra, at siya ang sinisi na pasimuno ng pagsalakay. Tiniis ni Ibarra ang lahat ng mga ito. 
Sa isang mataas na lugar, tinitingnan ni Pilosopong Tasio ang lahat ng nagaganap sa tribunal. Sa susunod na araw, natagpuan na siya’y patay na sa sariling bahay.